Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 5:5-11

MATEO 5:5-11 ABTAG01

“Mapapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang lupa. “Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila ay bubusugin. “Mapapalad ang mga mahabagin, sapagkat sila'y kahahabagan. “Mapapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. “Mapapalad ang mga mapagpayapa, sapagkat sila ay tatawaging mga anak ng Diyos. “Mapapalad ang mga inuusig dahil sa katuwiran, sapagkat kanila ang kaharian ng langit. “Mapapalad kayo kapag kayo ay nilalait, inuusig, at pinagsasabihan ng sari-saring kasamaan na pawang kasinungalingan dahil sa akin.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MATEO 5:5-11