Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Roma 8:19-25

Mga Taga-Roma 8:19-25 ASD

Maging ang buong nilikha ay sabik na naghihintay na ihayag ng Diyos ang mga anak niya. Sapagkat ang buong nilikha ay nabigong tuparin ang layuning para sa kanila. Nangyari ito hindi dahil ito ang gusto nila, kundi dahil ito ang kalooban ng Diyos. Subalit may pag-asa pa, dahil palalayain din niya ang buong nilikha mula sa kabulukang umaalipin dito, at makakasama ito sa kalayaan at kaluwalhatian ng mga anak ng Diyos. Alam natin na hanggang ngayon, ang buong nilikha ay dumaraing dahil itoʼy dumaranas ng matinding paghihirap na tulad ng isang babaeng nanganganak. At hindi lamang ang buong nilikha, kundi pati tayong mga tumanggap ng Espiritu na siyang unang kaloob ng Diyos ay dumaraing din habang hinihintay natin ang pagpapahayag sa ganap na katayuan natin bilang mga anak ng Diyos at ang pagpapalaya sa ating mga katawan. Sapagkat ito ang inaasahan natin noong tayoʼy naligtas. Umaasa tayo dahil hindi pa ganap na natupad ang inaasahan natin. Aasa pa ba tayo kung nakamit na natin ito? Ngunit kung ang inaasahan natiʼy wala pa, maghihintay tayo nang may pagtitiyaga.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Roma 8:19-25