Mga Taga-Roma 8:19-25
Mga Taga-Roma 8:19-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sapagkat nanabik ang sangnilikha na ihayag ng Diyos ang kanyang mga anak. Nabigo ang sangnilikha, hindi dahil sa kagustuhan nito, kundi dahil itinulot iyon ng Diyos. Gayunman, nagbigay rin siya ng pag-asa na ang lahat ng nilikha ay pinalaya ng Diyos upang hindi na ito mabulok, at upang makabahagi ito sa maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos. Alam nating hanggang ngayo'y dumaraing ang sangnilikha dahil sa matinding hirap na tulad ng isang nanganganak. At hindi lamang ito, kundi tayong mga tumanggap na ng Espiritu bilang unang kaloob ng Diyos ay dumaraing din habang hinihintay natin ang paghahayag ng ating pagiging mga anak ng Diyos at ang paglaya ng ating mga katawan. Naligtas tayo dahil sa pag-asang ito. Ngunit hindi iyon matatawag na pag-asa kung nakikita na natin ang ating inaasahan. Sapagkat sinong tao ang aasa pa kung ito'y nakikita na niya? Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita, hinihintay natin iyon nang buong tiyaga.
Mga Taga-Roma 8:19-25 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Maging ang buong nilikha ay sabik na naghihintay na ihayag ng Diyos ang mga anak niya. Sapagkat ang buong nilikha ay nabigong tuparin ang layuning para sa kanila. Nangyari ito hindi dahil ito ang gusto nila, kundi dahil ito ang kalooban ng Diyos. Subalit may pag-asa pa, dahil palalayain din niya ang buong nilikha mula sa kabulukang umaalipin dito, at makakasama ito sa kalayaan at kaluwalhatian ng mga anak ng Diyos. Alam natin na hanggang ngayon, ang buong nilikha ay dumaraing dahil itoʼy dumaranas ng matinding paghihirap na tulad ng isang babaeng nanganganak. At hindi lamang ang buong nilikha, kundi pati tayong mga tumanggap ng Espiritu na siyang unang kaloob ng Diyos ay dumaraing din habang hinihintay natin ang pagpapahayag sa ganap na katayuan natin bilang mga anak ng Diyos at ang pagpapalaya sa ating mga katawan. Sapagkat ito ang inaasahan natin noong tayoʼy naligtas. Umaasa tayo dahil hindi pa ganap na natupad ang inaasahan natin. Aasa pa ba tayo kung nakamit na natin ito? Ngunit kung ang inaasahan natiʼy wala pa, maghihintay tayo nang may pagtitiyaga.
Mga Taga-Roma 8:19-25 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't ang maningas na pagmimithi ng buong nilalang ay naghihintay ng pagkahayag ng mga anak ng Dios. Sapagka't ang buong nilalang ay nasakop ng kawalang kabuluhan, hindi sa kaniyang kalooban, kundi dahil doon sa sumakop sa kaniya, sa pagasa Na ang buong nilalang naman ay magiging laya mula sa pagkaalipin ng kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios. Sapagka't nalalaman natin na ang buong nilalang ay humihibik at nagdaramdam na may kahirapan na kasama natin hanggang ngayon. At hindi lamang gayon, kundi pati naman tayo na mayroong mga pangunahing bunga ng Espiritu, sa makatuwid baga'y tayo nama'y nangagsisihibik din sa ating sarili, sa paghihintay ng pagkukupkop, na dili iba't, ang pagtubos sa ating katawan. Sapagka't tayo'y iniligtas sa pagasa: datapuwa't ang pagasa na nakikita ay hindi pagasa: kaya't sino nga ang umaasa sa nakikita? Datapuwa't kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita, kung magkagayo'y hinihintay nating may pagtitiis.
Mga Taga-Roma 8:19-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sapagkat nanabik ang sangnilikha na ihayag ng Diyos ang kanyang mga anak. Nabigo ang sangnilikha, hindi dahil sa kagustuhan nito, kundi dahil itinulot iyon ng Diyos. Gayunman, nagbigay rin siya ng pag-asa na ang lahat ng nilikha ay pinalaya ng Diyos upang hindi na ito mabulok, at upang makabahagi ito sa maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos. Alam nating hanggang ngayo'y dumaraing ang sangnilikha dahil sa matinding hirap na tulad ng isang nanganganak. At hindi lamang ito, kundi tayong mga tumanggap na ng Espiritu bilang unang kaloob ng Diyos ay dumaraing din habang hinihintay natin ang paghahayag ng ating pagiging mga anak ng Diyos at ang paglaya ng ating mga katawan. Naligtas tayo dahil sa pag-asang ito. Ngunit hindi iyon matatawag na pag-asa kung nakikita na natin ang ating inaasahan. Sapagkat sinong tao ang aasa pa kung ito'y nakikita na niya? Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita, hinihintay natin iyon nang buong tiyaga.
Mga Taga-Roma 8:19-25 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)