Mga Taga-Roma 5:8-10
Mga Taga-Roma 5:8-10 ASD
Ngunit ipinakita ng Diyos sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Kristo para sa atin. At ngayong itinuring na tayong matuwid sa pamamagitan ng dugo ni Kristo, tiyak na maliligtas tayo sa parusa ng Diyos dahil kay Kristo. Dati, kaaway tayo ng Diyos, pero ngayon, tinanggap na niya tayong mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At ngayong mayroon na tayong magandang relasyon sa Diyos, tiyak na ililigtas niya tayo sa kaparusahan sa pamamagitan ng buhay ni Kristo.








