Mga Taga-Roma 12:17-21
Mga Taga-Roma 12:17-21 ASD
Huwag ninyong gantihan ng masama ang mga gumagawa sa inyo ng masama. Sa halip, gawin ninyo kung ano ang mabuti sa paningin ng lahat. Gawin ninyo ang lahat ng makakaya ninyo upang makipamuhay nang mapayapa sa lahat ng tao. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Diyos. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.” Kaya: “Kung nagugutom ang iyong kaaway, bigyan mo ng makakain. Kung siyaʼy nauuhaw, bigyan mo ng maiinom. Dahil kapag ginawa mo ang mga ito, mapapahiya siya sa kanyang sarili na parang nilagyan mo ng baga ang kanyang ulo.” Huwag kayong padadaig sa kasamaan, sa halip talunin ninyo ang kasamaan sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan.





