Mga Taga-Roma 12:17-19
Mga Taga-Roma 12:17-19 ASD
Huwag ninyong gantihan ng masama ang mga gumagawa sa inyo ng masama. Sa halip, gawin ninyo kung ano ang mabuti sa paningin ng lahat. Gawin ninyo ang lahat ng makakaya ninyo upang makipamuhay nang mapayapa sa lahat ng tao. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Diyos. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.”





