Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pahayag 4:6-11

Pahayag 4:6-11 ASD

Sa harap ng tronoʼy mayroon ding parang dagat na salamin na kasinlinaw ng kristal. Nakapaligid sa trono ang apat na buháy na nilalang na punong-puno ng mga mata sa harap at sa likod. Ang unang nilalang ay parang leon, ang pangalawa ay parang guya, ang pangatlo ay may mukhang gaya ng tao, at ang pang-apat ay parang agilang lumilipad. Ang bawat isa sa apat na buháy na nilalang ay may tig-aanim na pakpak at punong-puno ng mga mata sa palibot maging sa ilalim nila. Araw-gabiʼy walang tigil silang nagsasabi ng: “Banal ang Panginoong Diyos! Siyaʼy lubos na banal! Siya ang Makapangyarihan sa lahat. Siya ang Diyos noon, ngayon, at bukas.” Sa tuwing nagbibigay ang apat na buháy na nilalang ng parangal, papuri at pasasalamat sa nakaupo sa trono at nabubuhay magpakailanman, pumapatirapa naman ang dalawampuʼt apat na pinuno sa harapan ng nakaupo sa trono at sinasamba nila siya na nabubuhay magpakailanman. Iniaalay nila ang kanilang mga korona sa harap ng trono, at sinasabi, “Karapat-dapat po kayo Panginoon naming Diyos na tumanggap ng parangal, papuri at kapangyarihan, sapagkat kayo ang lumikha ng lahat ng bagay. At ginawa ninyo ang mga ito ayon sa inyong kagustuhan.”