Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pahayag 13:11-12

Pahayag 13:11-12 ASD

Pagkatapos, nakita ko ang isa pang halimaw na lumalabas mula sa lupa. Ito ay may dalawang sungay na katulad ng sa tupa, ngunit parang dragon kung magsalita. Pinagsilbihan niya ang unang halimaw at ginamit ang lahat ng kapangyarihan nito. Pinipilit niya ang lahat ng tao sa lupa na sumamba sa unang halimaw na gumaling mula sa nakamamatay na sugat nito.