Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 119:56-62

Salmo 119:56-62 ASD

Ito ang aking kagalakan: ang sumunod sa inyong mga tuntunin. Kayo lang PANGINOON, ang tangi kong kailangan. Akoʼy nangangakong susundin ang inyong mga salita. Buong puso akong nakikiusap sa inyo na akoʼy inyong kahabagan ayon sa inyong pangako. Pinag-isipan ko ang aking pamumuhay, at napagpasyahan kong sumunod sa inyong mga turo. Dali-dali at di ko ipagpapaliban ang pagsunod sa inyong mga utos. Kahit iginagapos ako ng masasama, hindi ko kinakalimutan ang inyong kautusan. Kahit hatinggabi ay gumigising ako para kayoʼy pasalamatan sa inyong matuwid na mga utos.