Salmo 104:13-15
Salmo 104:13-15 ASD
Mula sa langit na inyong luklukan, ang mga bundok ay inyong pinapaulanan. At dahil sa inyong ginawa, tumatanggap ang mundo ng pagpapala. Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop, at mga tanim para sa mga tao upang silaʼy may maani at makain, may alak na maiinom na magpapasaya sa kanila, may langis na pampakinis ng mukha, at may tinapay na makapagpapalakas sa kanila.

