Mga Awit 104:13-15
Mga Awit 104:13-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Magmula sa kalangitan, mga bundok ay nadilig, ibinuhos ang pagpapala't lumaganap sa daigdig. Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka, nagkaroon ng halamang masaganang namumunga; anupa't ang mga tao'y may pagkaing nakukuha. Mayroong ubas na inumin kaya tao'y masasaya, may langis pa ng olibong nagdudulot ng ligaya, at tinapay na pagkaing pampalakas sa tuwina.
Mga Awit 104:13-15 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mula sa langit na inyong luklukan, ang mga bundok ay inyong pinapaulanan. At dahil sa inyong ginawa, tumatanggap ang mundo ng pagpapala. Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop, at mga tanim para sa mga tao upang silaʼy may maani at makain, may alak na maiinom na magpapasaya sa kanila, may langis na pampakinis ng mukha, at may tinapay na makapagpapalakas sa kanila.
Mga Awit 104:13-15 Ang Biblia (TLAB)
Kaniyang dinidilig ang mga bundok mula sa kaniyang mga silid: ang lupa'y busog sa bunga ng iyong mga gawa. Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop, at ang gugulayin sa paglilingkod sa tao: upang siya'y maglabas ng pagkain sa lupa: At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao, at ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha, at ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao.
Mga Awit 104:13-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Magmula sa kalangitan, mga bundok ay nadilig, ibinuhos ang pagpapala't lumaganap sa daigdig. Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka, nagkaroon ng halamang masaganang namumunga; anupa't ang mga tao'y may pagkaing nakukuha. Mayroong ubas na inumin kaya tao'y masasaya, may langis pa ng olibong nagdudulot ng ligaya, at tinapay na pagkaing pampalakas sa tuwina.
Mga Awit 104:13-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kaniyang dinidilig ang mga bundok mula sa kaniyang mga silid: Ang lupa'y busog sa bunga ng iyong mga gawa. Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop, At ang gugulayin sa paglilingkod sa tao: Upang siya'y maglabas ng pagkain sa lupa: At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao, At ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha, At ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao.