Kawikaan 2:9-11
Kawikaan 2:9-11 ASD
Sa gayoʼy mauunawaan mo kung ano ang tama at mali, kung alin ang makatarungan, at masusunod mo ang daang mabuti para sa iyo. Sapagkat lalong lalawak ang iyong karunungan at magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan. Kapag nakakaunawa ka at marunong magpasya nang tama, iingatan ka nito.





