Mga Kawikaan 2:9-11
Mga Kawikaan 2:9-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya nga, iyong mauunawaan ang katuwiran at katarungan, at iyong susundan ang landas ng kabutihan. Lalawak ang karunungang matatanim sa isipan, madadama ang kasiyahang dulot nitong kaalaman. Ang natamong kaalaman sa iyo ay mag-iingat, ang unawa'y maglilihis sa liku-likong landas.
Mga Kawikaan 2:9-11 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sa gayoʼy mauunawaan mo kung ano ang tama at mali, kung alin ang makatarungan, at masusunod mo ang daang mabuti para sa iyo. Sapagkat lalong lalawak ang iyong karunungan at magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan. Kapag nakakaunawa ka at marunong magpasya nang tama, iingatan ka nito.
Mga Kawikaan 2:9-11 Ang Biblia (TLAB)
Kung magkagayo'y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan, at ang karampatan, oo, bawa't mabuting landas. Sapagka't karunungan ay papasok sa iyong puso, at kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa; Kabaitan ay magbabantay sa iyo, pagkaunawa ay magiingat sa iyo
Mga Kawikaan 2:9-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya nga, iyong mauunawaan ang katuwiran at katarungan, at iyong susundan ang landas ng kabutihan. Lalawak ang karunungang matatanim sa isipan, madadama ang kasiyahang dulot nitong kaalaman. Ang natamong kaalaman sa iyo ay mag-iingat, ang unawa'y maglilihis sa liku-likong landas.
Mga Kawikaan 2:9-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kung magkagayo'y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan, At ang karampatan, oo, bawa't mabuting landas. Sapagka't karunungan ay papasok sa iyong puso, At kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa; Kabaitan ay magbabantay sa iyo, Pagkaunawa ay magiingat sa iyo