Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kawikaan 1:23-31

Kawikaan 1:23-31 ASD

Pakinggan ninyo ang pagsaway ko sa inyo. Sasabihin ko sa inyo kung ano ang iniisip ko. Ipapaalam ko sa inyo ang aking sasabihin laban sa inyo, sapagkat hindi ninyo pinansin ang panawagan ko na lumapit kayo sa akin, at binalewala ninyo ang lahat ng aking payo at hindi tinanggap ang aking pagsaway. Dahil ditoʼy pagtatawanan ko kayo kapag napahamak kayo. Kukutyain ko kayo kapag natatakot kayo, kapag dumating ang kinatatakutan ninyo na parang bagyo, kapag dumaan ang kapahamakan sa inyo na parang ipuipo, at kapag sumapit sa inyo ang hinagpis at gulo. “Tatawag kayo sa akin, ngunit hindi ko kayo sasagutin. Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita. Dahil ayaw ninyo na tinuturuan kayo at wala kayong takot sa PANGINOON. Tinanggihan ninyo ang mga payo ko at minasama ang aking pagsaway sa inyo. Kaya aanihin ninyo ang bunga ng inyong mga ginagawa at ng mga binabalak nʼyong masama.