Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Marcos 6:45-50

Marcos 6:45-50 ASD

Pagkatapos nitoʼy pinasakay agad ni Hesus sa bangka ang mga alagad niya at pinauna sa bayan ng Betsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, habang pinapauwi niya ang mga tao. Matapos siyang magpaalam sa lahat, umakyat siya sa isang bundok upang manalangin. Pagsapit ng gabi, nasa laot na ang bangka at si Hesus ay nag-iisa sa pampang. Nakita niyang hirap sa pagsagwan ang mga alagad niya, dahil salungat sila sa hangin. Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan na lang sana niya sila, ngunit nang makita siya ng mga alagad niya na lumalakad sa ibabaw ng tubig, inisip nilang multo siya kayaʼt nagsigawan sila. Takot na takot silang lahat sa nakita nila. Ngunit nagsalita agad si Hesus, “Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob.”