Marcos 6:45-50
Marcos 6:45-50 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang kanyang mga alagad. Sila ay pinauna niya sa Bethsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, habang pinapauwi naman niya ang mga tao. Matapos magpaalam, umakyat siya sa bundok upang manalangin. Nang sumapit ang gabi, nasa laot na ang bangka, habang si Jesus naman ay nag-iisa sa pampang. Nakita niyang nahihirapan sa pagsagwan ang kanyang mga alagad dahil pasalungat sila sa ihip ng hangin. Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Nang malalampasan na niya ang mga alagad, nakita ng mga ito na siya ay lumalakad sa ibabaw ng tubig. Akala nila siya ay isang multo kaya sila ay nagsisigaw. Takot na takot silang lahat, ngunit agad na sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!”
Marcos 6:45-50 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pagkatapos nitoʼy pinasakay agad ni Hesus sa bangka ang mga alagad niya at pinauna sa bayan ng Betsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, habang pinapauwi niya ang mga tao. Matapos siyang magpaalam sa lahat, umakyat siya sa isang bundok upang manalangin. Pagsapit ng gabi, nasa laot na ang bangka at si Hesus ay nag-iisa sa pampang. Nakita niyang hirap sa pagsagwan ang mga alagad niya, dahil salungat sila sa hangin. Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan na lang sana niya sila, ngunit nang makita siya ng mga alagad niya na lumalakad sa ibabaw ng tubig, inisip nilang multo siya kayaʼt nagsigawan sila. Takot na takot silang lahat sa nakita nila. Ngunit nagsalita agad si Hesus, “Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob.”
Marcos 6:45-50 Ang Biblia (TLAB)
At pagdaka'y pinalulan niya sa daong ang kaniyang mga alagad, at pinauna sa kaniya sa kabilang ibayo, sa Betsaida, samantalang pinayayaon niya ang karamihan. At pagkatapos na mapagpaalam niya sila, ay naparoon siya sa bundok upang manalangin. At nang dumating ang gabi, ang daong ay nasa gitna ng dagat, at siya'y nagiisa sa lupa. At pagkakita sa kanila na totoong nangalulumbay sa paggaod, sapagka't sinasalunga sila ng hangin, at malapit na ang ikaapat na pagpupuyat sa gabi ay naparoon siya sa kanila, na lumalakad sa ibabaw ng dagat; at ibig silang lagpasan: Datapuwa't sila, nang makita nilang siya'y lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay inakala nilang siya'y isang multo, at nangagsisigaw; Sapagka't nakita siya nilang lahat, at nangagulumihanan. Datapuwa't pagdaka'y nagsalita siya sa kanila, at sa kanila'y sinabi, Laksan ninyo ang inyong loob: ako nga; huwag kayong mangatakot.
Marcos 6:45-50 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang kanyang mga alagad. Sila ay pinauna niya sa Bethsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, habang pinapauwi naman niya ang mga tao. Matapos magpaalam, umakyat siya sa bundok upang manalangin. Nang sumapit ang gabi, nasa laot na ang bangka, habang si Jesus naman ay nag-iisa sa pampang. Nakita niyang nahihirapan sa pagsagwan ang kanyang mga alagad dahil pasalungat sila sa ihip ng hangin. Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Nang malalampasan na niya ang mga alagad, nakita ng mga ito na siya ay lumalakad sa ibabaw ng tubig. Akala nila siya ay isang multo kaya sila ay nagsisigaw. Takot na takot silang lahat, ngunit agad na sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!”
Marcos 6:45-50 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)