Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 7:24-27

Mateo 7:24-27 ASD

“Kaya ang sinumang nakikinig sa aking mga salita at sinusunod ito ay maihahalintulad sa isang matalinong lalaki na nagtayo ng kanyang bahay sa pundasyong bato. Nang umulan nang malakas at bumaha, at hinampas ng malakas na hangin ang bahay, hindi ito nagiba dahil nakatayo ito sa pundasyong bato. Subalit ang sinumang nakikinig sa aking mga salita ngunit hindi naman ito sinusunod ay maihahalintulad sa isang hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhangin. Nang umulan nang malakas at bumaha, at hinampas ng malakas na hangin ang bahay, nagiba ito at tuluyang bumagsak.”

Video para sa Mateo 7:24-27