Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 7

7
Huwag Husgahan ang Kapwa
(Luc. 6:37‑38, 41‑42)
1“Huwag kayong humatol, upang hindi rin kayo hatulan. 2Sapagkat kung paano ninyo hinahatulan ang inyong kapwa ay ganoon din kayo hahatulan ng Diyos. Ang panukat na ginagamit ninyo ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo.
3“Bakit mo pinupuna ang puwing sa mata ng iyong kapwa, ngunit hindi mo naman napapansin ang trosong nasa iyong mata? 4Paano mo masasabi sa iba, ‘Hayaan mong alisin ko ang puwing sa iyong mata,’ gayong may troso sa iyong mata? 5Mapagkunwari! Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, nang sa gayoʼy makakita kang mabuti para maalis mo ang puwing sa mata ng iyong kapwa.
6“Huwag ninyong ibigay sa mga aso ang mga itinuturing na banal, dahil baka balingan nila kayo at lapain. At huwag din ninyong ihagis sa mga baboy ang inyong mga perlas, dahil tatapak-tapakan lang nila ang mga ito.
Humingi, Humanap, Kumatok
(Luc. 11:9‑13)
7“Humingi kayo, at bibigyan kayo. Humanap kayo, at makakatagpo kayo. Kumatok kayo at pagbubuksan kayo. 8Sapagkat ang sinumang humihingi ay nakatatanggap; ang naghahanap ay nakatatagpo; at ang kumakatok ay pinagbubuksan.
9“Sino ba sa inyo ang magbibigay ng bato sa kanyang anak kung humihingi siya ng tinapay? 10O ng ahas kung humihingi siya ng isda? 11Kayo nga, kahit masasama kayo, marunong kayong magbigay ng mabubuting regalo sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting regalo ang mga humihingi sa kanya.
12“Kaya sa lahat ng bagay, gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa ninyo, sapagkat ito ang buod ng Kautusan at ng isinulat ng mga propeta#7:12 Kautusan at ng isinulat ng mga propeta: Ito ay tumutukoy sa Lumang Tipan..
Ang Makipot at Maluwang na Pintuan
(Luc. 13:24)
13“Pumasok kayo sa makipot na pintuan, sapagkat ang pintuang patungo sa kapahamakan ay maluwang at malapad, at marami ang pumapasok doon. 14Ngunit ang pintuang patungo sa buhay ay makipot at mahirap, at kakaunti lang ang nakakatagpo niyon.
Mga Tunay at Bulaang Propeta
(Luc. 6:43‑44)
15“Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang maaamong tupa, ngunit ang totoo, tulad sila ng mababagsik na lobo. 16Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Sapagkat hindi napipitas ang ubas sa dawagan o naaani ang igos sa matitinik na halaman. 17Gayundin naman, ang mabuting puno ay namumunga ng mabuti, at ang masamang puno ay namumunga ng masama. 18Hindi namumunga ng masama ang mabuting puno, at hindi rin namumunga ng mabuti ang masamang puno. 19Ang bawat punong hindi namumunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy. 20Kaya nga, makikilala ninyo ang mga bulaang propeta sa kanilang mga gawa.
Mga Tunay at Bulaang Alagad
(Luc. 13:25‑27)
21“Hindi lahat ng tumatawag sa akin ng, ‘Panginoon, Panginoon’ ay makakapasok sa kaharian ng Langit, kundi iyon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit. 22Marami ang magsasabi sa akin sa Araw ng Paghuhukom, ‘Panginoon, hindi po baʼt sa ngalan nʼyo ay nagpahayag kami ng propesiya, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng maraming himala?’ 23Ngunit malinaw kong sasabihin sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala! Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama!’
Ang Matalino at ang Hangal na Nagtayo ng Bahay
(Luc. 6:47‑49)
24“Kaya ang sinumang nakikinig sa aking mga salita at sinusunod ito ay maihahalintulad sa isang matalinong lalaki na nagtayo ng kanyang bahay sa pundasyong bato. 25Nang umulan nang malakas at bumaha, at hinampas ng malakas na hangin ang bahay, hindi ito nagiba dahil nakatayo ito sa pundasyong bato. 26Subalit ang sinumang nakikinig sa aking mga salita ngunit hindi naman ito sinusunod ay maihahalintulad sa isang hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhangin. 27Nang umulan nang malakas at bumaha, at hinampas ng malakas na hangin ang bahay, nagiba ito at tuluyang bumagsak.”
28Pagkatapos sabihin ni Hesus ang mga ito, namangha ang mga tao sa pagtuturo niya, 29sapagkat nagturo siya nang may awtoridad at hindi tulad ng mga tagapagturo nila ng Kautusan.

Kasalukuyang Napili:

Mateo 7: ASD

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Video para sa Mateo 7