“Huwag kayong mag-imbak ng mga kayamanan ninyo dito sa lupa, kung saan may insekto at kalawang na naninira, at may kawatang nakakapasok upang magnakaw nito. Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit, kung saan walang insekto at kalawang na naninira, at walang kawatang papasok upang magnakaw nito. Sapagkat kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso. “Ang mata ay parang ilaw ng katawan. Kung malinaw ang iyong mata, mapupuno ng liwanag ang iyong buong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. Kaya kung dumilim ang ilaw na nasa iyo, magiging napakadilim ng iyong kalagayan. “Walang taong makapaglilingkod sa dalawang amo. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, o kayaʼy magiging tapat siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Ganoon din naman, hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa kayamanan. “Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mag-alala tungkol sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin o iinumin, o tungkol sa inyong katawan, kung ano ang inyong susuotin. Hindi baʼt mas mahalaga ang buhay kaysa sa pagkain at ang katawan kaysa sa damit? Tingnan ninyo ang mga ibon sa himpapawid. Hindi sila nagtatanim, o nag-aani, o nag-iimbak sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi baʼt mas mahalaga kayo kaysa sa kanila? Kaya ba ninyong dagdagan nang kahit isang oras man lang ang buhay ninyo sa pag-aalala ninyo? “At bakit kayo nag-aalala kung ano ang isusuot ninyo? Tingnan ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang. Hindi sila nagtatrabaho o nagtatahi ng damit. Ngunit sasabihin ko sa inyo, kahit si Solomon ay hindi nakapagsuot ng damit na kasingganda ng mga bulaklak na ito sa kabila ng kanyang karangyaan. Kung ganito dinadamitan ng Diyos ang mga damo sa parang, na buhay ngayon ngunit bukas ay itatapon sa apoy, kayo pa kaya? Tiyak na bibihisan niya kayo nang higit pa sa mga ito. Napakaliit naman ng inyong pananampalataya! Kayaʼt huwag kayong mag-alala at magsabi, ‘Ano ang kakainin namin?’ o ‘Ano ang iinumin namin?’, o ‘Ano ang susuotin namin?’ Ito ang mga bagay na pinagsisikapan ng mga Hentil, ngunit alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito.
Basahin Mateo 6
Makinig sa Mateo 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 6:19-32
7 Days
We’re all chasing something. Usually something just out of reach—a better job, a more comfortable home, a perfect family, the approval of others. But isn’t this tiring? Is there a better way? Find out in this new Life.Church Bible Plan, accompanying Pastor Craig Groeschel’s message series, Chasing Carrots.
Generous living isn’t just about the acts we do—it’s a heart we allow God to cultivate within us. It is a journey of the heart and seeing everything we have as a gift from God. In this Bible Plan, we’ll discover that generous living goes way beyond our personal finances— it’s an others-focused lifestyle we live.
We’re living in an unprecedented time because of the COVID-19 pandemic. Where do we find hope and “good news” in the middle of a continual stream of bad news? For followers of Jesus, there is always Good News. In this 7-day Plan, we’ll dive into some promises we find in our good God and the faith we’ll need to stand on them.
7 Araw
Maraming bagay ang itinuro ni Hesus – walang hanggang pagpapala, pangangalunya, pananalangin, at iba pa. Ano ang kahulugan nito sa kasalukuyang panahon? Isang maikling video ng katuruan ni Hesus ang mapapanood bawat araw sa gabay na ito.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas