Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 26:57-63

Mateo 26:57-63 ASD

Dinala si Hesus ng mga dumakip sa kanya sa bahay ng punong pari na si Caifas. Doon ay nagkatipon-tipon ang mga tagapagturo ng Kautusan at ang mga pinuno ng mga Hudyo. Sumunod din si Pedro doon, ngunit malayo-layo siya kay Hesus. Pumasok siya sa bakuran ng punong pari at nakiupo sa mga guwardiya para malaman kung ano ang mangyayari kay Hesus. Doon sa loob, ang mga namamahalang pari at ang lahat ng miyembro ng Sanhedrin ay nagsisikap na makakuha ng mga ebidensya kahit hindi totoo laban kay Hesus upang mahatulan siya ng kamatayan. Ngunit wala silang nakuha, kahit marami pa ang lumapit at sumaksi ng kasinungalingan. Nang bandang huli, may dalawang lalaking lumapit at nagsabi, “Sinabi ng taong ito na kaya niyang gibain ang Templo ng Diyos at sa loob ng tatlong araw ay itatayo niya itong muli.” Tumayo ang punong pari at tinanong si Hesus, “Wala ka bang maisasagot sa mga paratang na iyan laban sa iyo?” Hindi sumagot si Hesus. Kaya tinanong siyang muli ng punong pari, “Sa ngalan ng buháy na Diyos, sabihin mo sa amin ngayon: Ikaw ba ang Mesias, ang Anak ng Diyos?”