Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 2:7-10

Mateo 2:7-10 ASD

Kaya palihim na ipinatawag ni Herodes ang mga pantas at inalam niya sa kanila ang eksaktong oras na unang lumitaw ang bituin. Pagkatapos, pinapunta niya sila sa Bethlehem at nagbilin, “Lumakad na kayo at hanaping mabuti ang bata. At kapag nakita ninyo, balitaan nʼyo ako agad para makapunta rin ako at makasamba sa kanya.” Pagkatapos marinig ang bilin ng hari, lumakad na sila. At ang bituing nakita nilang lumitaw noon ay nanguna sa kanila hanggang sa tumigil ito sa tapat ng kinaroroonan ng bata. Nang makita nila ang bituin ay labis ang kanilang kagalakan.

Video para sa Mateo 2:7-10