Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 17:22-27

Mateo 17:22-27 ASD

Habang nagtitipon sina Hesus at ang mga alagad niya sa Galilea, sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa kamay ng mga tao. Papatayin siya, ngunit mabubuhay siyang muli sa ikatlong araw.” At labis itong ikinalungkot ng mga alagad ni Hesus. Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis at nagtanong, “Nagbabayad ba ng buwis para sa Templo ang inyong guro?” Sumagot si Pedro, “Oo, nagbabayad siya.” Nang makabalik si Pedro sa tinutuluyan nila, tinanong siya ni Hesus, “Ano sa palagay mo, Pedro? Kanino nangongolekta ng mga buwis ang mga hari, sa mga anak nila o sa ibang tao?” Sumagot si Pedro, “Sa ibang tao po.” Sinabi ni Hesus, “Kung ganoon, nangangahulugan na hindi kailangang magbayad ng buwis ang mga anak. Ngunit kung hindi tayo magbabayad, baka sumama ang loob nila sa atin. Kaya pumunta ka sa lawa at mamingwit. Ibuka mo ang bibig ng unang isdang mahuhuli mo at makikita mo roon ang perang sapat na pambayad sa buwis nating dalawa. Kunin mo ito at ibayad sa mga nangongolekta ng buwis para sa Templo.”