Samantala, kinutya at binugbog si Hesus ng mga nagbabantay sa kanya. Piniringan nila siya at tinanong, “Hulaan mo, sino ang sumuntok sa iyo?” At marami pa silang sinabing masama laban sa kanya. Kinaumagahan, nagtipon ang mga pinuno ng mga Hudyo, mga namamahalang pari, at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Iniharap nila si Hesus sa kanilang korte. Sinabi nila, “Sabihin mo sa amin, ikaw ba ang Mesias?” Sumagot si Hesus, “Kung sasabihin ko sa inyo, hindi naman kayo maniniwala. At kung tatanungin ko kayo, hindi naman kayo sasagot. Ngunit mula ngayon, ang Anak ng Tao ay uupo na sa kanan ng makapangyarihang Diyos.” “Kung ganoon, ikaw nga ang Anak ng Diyos?” sabi nila. Sumagot si Hesus, “Kayo na rin ang nagsabi na ako nga.” Kaya sinabi nila, “Narinig na natin ang sinabi niya, ano pang ebidensya ang kailangan natin?”
Basahin Lucas 22
Makinig sa Lucas 22
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 22:63-71
8 Days
It’s hard to imagine what Jesus was thinking and feeling in the days leading to cross, but one thing we do know—his trust and assurance in the goodness and faithful love of God. Take a journey this Holy Week through the gospels, walk with Jesus, ask God a simple question, and encounter the vast love of God.
29 Araw
Ipinaalam ng mga nakasaksi ang mabuting balita na sinabi ni Lucas tungkol sa kuwento ni Jesus mula sa pagsilang hanggang sa kamatayan hanggang sa pagkabuhay-muli; Isinalaysay din ni Lucas ang Kanyang mga turo na nagpabago sa mundo. Araw-araw na paglalakbay kay Lucas habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas