Pagkatapos magkuwento ni Hesus, nagpatuloy siya sa paglalakad at nanguna sa kanila papuntang Jerusalem. Nang malapit na sila sa mga nayon ng Betfage at Betania, sa bundok na kung tawagin ay Bundok ng mga Olibo, pinauna niya ang dalawa niyang alagad. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok nʼyo roon, makikita ninyo ang isang bisirong nakatali. Hindi pa ito nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo at dalhin dito. Kung may magtanong kung bakit ninyo kinakalagan ang asno, sabihin ninyong kailangan ito ng Panginoon.” Kaya lumakad ang dalawang inutusan, at nakakita nga sila ng asno ayon sa sinabi ni Hesus. Nang kinakalagan na nila ang asno, tinanong sila ng mga may-ari, “Bakit ninyo kinakalagan iyan?” Sumagot sila, “Kailangan ito ng Panginoon.” Dinala nila ang asno kay Hesus, at isinapin nila ang kanilang mga balabal nila sa likod ng asno at pinasakay si Hesus. Habang nakasakay siya sa asno, inilatag ng mga tao ang kanilang mga balabal sa dadaanan niya. Nang pababa na siya sa Bundok ng mga Olibo at malapit na sa Jerusalem, nagsigawan sa tuwa ang lahat ng alagad niya at nagpuri nang malakas sa Diyos dahil sa mga himalang nasaksihan nila. Sinabi nila, “Pinagpala ang haring dumarating sa ngalan ng Panginoon!” “Kapayapaan sa langit, at papuri sa Kaitaas-taasan.” Sinabi sa kanya ng ilang Pariseong kasama ng karamihan, “Guro, sawayin mo ang mga alagad mo.” Ngunit sinagot sila ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: Kung tatahimik sila, ang mga bato na ang sisigaw ng papuri.” Nang malapit na si Hesus sa Jerusalem at nakita niya ang lungsod, umiyak siya.
Basahin Lucas 19
Makinig sa Lucas 19
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 19:28-41
8 Days
God is mysterious, eternal, immortal, invisible, the only God. Our lives, however, can become mundane, tedious, and cold. This 8-day study will renew your reverent awe toward our Creator, and inspire your worship to become more profound, spontaneous, and authentic. Explore the wonder of the nature of God, and learn why He deserves our unabashed worship and adoration! This plan is written by Amy Groeschel, and is a part of her SOAR with God study. To continue this Free SOAR Bible study go to www.SoarwithGod.com.
The final week in the life of Jesus was no ordinary week. It was a time of bittersweet goodbyes, lavish giving, cruel betrayals and prayers that shook heaven. Experience this week, from Palm Sunday to the miraculous Resurrection, as we read through the Biblical account together. We will cheer with the crowds on Jerusalem’s streets, shout in anger at Judas and the Roman soldiers, cry with the women at the Cross, and celebrate as Easter morning dawns!
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas