Sa ikaanim na buwan ng pagbubuntis ni Elisabet, inutusan ng Diyos ang anghel na si Gabriel na pumunta sa bayan ng Nazaret sa lalawigan ng Galilea. Pinapunta siya sa isang birhen na ang pangalan ay Maria. Nakatakda nang ikasal si Maria kay Jose na mula sa lahi ni Haring David. Sinabi ni Gabriel, “Maria, magalak ka! Ikaw na pinagpala ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon.” Nabagabag si Maria sa sinabi ng anghel. Inisip niyang mabuti kung ano ang ibig sabihin noon. Kaya sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, dahil pinagpala ka ng Diyos. Magdadalantao ka at magsisilang ng isang lalaki, at papangalanan mo siyang Hesus. Magiging dakila siya at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng ninuno niyang si David. Maghahari siya sa mga lahi ni Jacob magpakailanman; ang kaharian niya ay walang katapusan.” Nagtanong si Maria sa anghel, “Paano po ito mangyayari gayong dalaga pa ako?” Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Banal na Espiritu at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Kaya ang banal na sanggol na ipapanganak mo ay tatawaging Anak ng Diyos. Maging ang kamag-anak mong si Elisabet ay buntis din sa kabila ng kanyang katandaan. Alam ng lahat na baog siya, pero anim na buwan na siyang buntis ngayon. Sapagkat walang imposible sa Diyos.” Sumagot si Maria, “Akoʼy lingkod ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang mga sinabi ninyo.” At iniwan siya ng anghel. Hindi nagtagal, nag-ayos si Maria at dali-daling pumunta sa isang bayan sa kabundukan ng Judea. Pagdating niya sa bahay nina Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, gumalaw ang sanggol sa kanyang sinapupunan, at napuspos siya ng Banal na Espiritu. Napasigaw siya sa tuwa, “Higit kang pinagpala sa lahat ng babae, at pinagpala rin niya ang magiging anak mo! Isang malaking karangalan na dalawin ako ng ina ng aking Panginoon. Nang marinig ko ang pagbati mo, gumalaw sa tuwa ang sanggol sa sinapupunan ko. Mapalad ka dahil naniwala kang matutupad ang sinabi sa iyo ng Panginoon.” At sinabi ni Maria, “Buong puso kong pinupuri ang Panginoon
Basahin Lucas 1
Makinig sa Lucas 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 1:26-46
4 Days
The Christmas story is the story of how God intervened in history through the birth of Jesus. The lives of Mary, Joseph, and the shepherds were utterly changed by this event. They found hope, love, peace, and joy; join the team from Vertical Worship as we remember together how, through Jesus, we can find these too.
4 na araw
Tutulungan tayo ng debosyonal na ito na humakbang sa buhay na naaayon sa Diyos.
5 Mga Araw
Ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng mundo ay nang magkatawang-tao at manirahan sa atin si Jesus, ang Ilaw ng Sanlibutan. Ipinahayag ng mga anghel ang kanyang pagdating, may mga tulang naisulat, nagtakbuhan ang mga pastol, at si Maria ay umawit! Samahan ninyo kami sa limang araw na pag-aaral at pagkilala sa Kanyang liwanag—kung paano ito naging inspirasyon sa mga nakapaligid sa Kanya at ano ang epekto nito sa atin ngayon.
5 Days
Our Christmas story starts with the angel’s annunciation to Mary and concludes with the visit of the Magi. In these reflections and applications of the Christmas narrative I will mostly refer to Luke, as his is the fullest of the gospel accounts.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas