“Kinutya kami ng lahat ng aming mga kaaway. Dumanas kami ng matinding takot, panganib, pagkasira at kapahamakan.” Napaluha ako dahil sa kapahamakang sinapit ng aking mga kalahi. Patuloy akong iiyak, at dadaloy ang aking luha nang walang tigil, hanggang sa tumunghay ang PANGINOON mula sa langit. Labis akong nasaktan sa sinapit ng mga kababaihan ng aking lungsod. Hinahabol ako ng aking mga kaaway na parang isang ibon, kahit na wala naman akong nagawang kasalanan sa kanila. Sinubukan nila akong patayin sa pamamagitan ng pambabato at paghulog sa balon. Halos malunod na ako at ang akala koʼy mamamatay na ako. Doon sa ilalim ng balon, tumawag ako sa inyo PANGINOON. Pinakinggan nʼyo ang pagmamakaawa ko at paghingi ng tulong. Dumating kayo nang akoʼy tumawag at sinabi ninyong huwag akong matakot. Tinulungan nʼyo ako sa aking problema, Panginoon, at iniligtas nʼyo ang aking buhay. PANGINOON, nakita ninyo ang kasamaang ginawa sa akin ng aking mga kaaway, kaya bigyan ninyo ako ng katarungan. Alam ninyo kung paano nila ako pinaghigantihan at ang lahat ng kanilang binabalak laban sa akin. Napakinggan nʼyo, O PANGINOON, ang kanilang mga pangungutya at alam ninyo ang lahat ng binabalak nila laban sa akin. Buong araw nilang pinag-uusapan ang pinaplano nilang masama laban sa akin. Masdan nʼyo, nakaupo man sila o nakatayo, kinukutya nila ako sa pamamagitan ng pag-awit. PANGINOON, parusahan nʼyo sila ayon sa kanilang ginagawa. Patigasin nʼyo ang mga puso nila at sumpain nʼyo sila. Sa galit nʼyo PANGINOON, habulin nʼyo sila at lipulin nang mawala na sila sa mundong ito.
Basahin Mga Panaghoy 3
Makinig sa Mga Panaghoy 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Panaghoy 3:46-66
3 Araw
Ang Panaghoy ay ang "panungol na pader" ng Bibliya, isang koleksyon ng mga tula na puno ng kalungkutan na babasahin sa libing ng Jerusalem habang ito ay nakahiga sa abo pagkatapos itong ibagsak. Araw-araw na paglalakbay sa Panaghoy habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas