Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Panaghoy 3:46-66

Mga Panaghoy 3:46-66 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

“Kinukutya kami ng aming mga kaaway; nagdaan na kami sa pagkawasak at kapahamakan, naranasan namin ang mabingit sa panganib at manginig sa takot. Hindi mapigil ang pagbalong ng aking mga luha, dahil sa kapahamakang sinapit ng aking bayan. “Walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha, hanggang si Yahweh ay tumunghay mula sa langit at kami'y lingapin. Nagdadalamhati ako dahil sa sinapit ng mga kababaihan sa aking lunsod. “Para akong ibong binitag ng aking mga kaaway, gayong wala silang dahilan upang kamuhian ako. Ako'y inihulog nila nang buháy sa isang balon, at tinakpan ng bato ang bunganga nito. Lumubog ako sa tubig, at nasabi ko, ‘Wala na akong pag-asang mabuhay pa.’ “O Yahweh, tinawag ko ang iyong pangalan nang ako'y nasa kailaliman ng balon; narinig mo ang aking samo, ‘Huwag mong takpan ang iyong pandinig sa aking paghingi ng tulong!’ Nilapitan mo ako nang ika'y tawagan ko; sinabi mo sa akin, ‘Huwag kang matakot!’ “Tinulungan mo ako, Yahweh, at iniligtas mo ang aking buhay. Hindi kaila sa iyo ang kasamaang ginawa nila sa akin; bigyan mo ako ng katarungan. Nakita mo ang kanilang paghihiganti at masasamang balak laban sa akin. “Narinig mo, Yahweh, ang pangungutya nila't mga pakana laban sa akin. Nagsasalita at nag-iisip laban sa akin ang mga kaaway ko. Mula umaga hanggang gabi kanilang panunuya'y walang pasintabi. “O Yahweh, parusahan mo sila, ayon sa kanilang ginawa. Pahirapan mo sila, at iyong sumpain; habulin mo sila at iyong lipulin!”

Mga Panaghoy 3:46-66 Ang Salita ng Diyos (ASD)

“Kinutya kami ng lahat ng aming mga kaaway. Dumanas kami ng matinding takot, panganib, pagkasira at kapahamakan.” Napaluha ako dahil sa kapahamakang sinapit ng aking mga kalahi. Patuloy akong iiyak, at dadaloy ang aking luha nang walang tigil, hanggang sa tumunghay ang PANGINOON mula sa langit. Labis akong nasaktan sa sinapit ng mga kababaihan ng aking lungsod. Hinahabol ako ng aking mga kaaway na parang isang ibon, kahit na wala naman akong nagawang kasalanan sa kanila. Sinubukan nila akong patayin sa pamamagitan ng pambabato at paghulog sa balon. Halos malunod na ako at ang akala koʼy mamamatay na ako. Doon sa ilalim ng balon, tumawag ako sa inyo PANGINOON. Pinakinggan nʼyo ang pagmamakaawa ko at paghingi ng tulong. Dumating kayo nang akoʼy tumawag at sinabi ninyong huwag akong matakot. Tinulungan nʼyo ako sa aking problema, Panginoon, at iniligtas nʼyo ang aking buhay. PANGINOON, nakita ninyo ang kasamaang ginawa sa akin ng aking mga kaaway, kaya bigyan ninyo ako ng katarungan. Alam ninyo kung paano nila ako pinaghigantihan at ang lahat ng kanilang binabalak laban sa akin. Napakinggan nʼyo, O PANGINOON, ang kanilang mga pangungutya at alam ninyo ang lahat ng binabalak nila laban sa akin. Buong araw nilang pinag-uusapan ang pinaplano nilang masama laban sa akin. Masdan nʼyo, nakaupo man sila o nakatayo, kinukutya nila ako sa pamamagitan ng pag-awit. PANGINOON, parusahan nʼyo sila ayon sa kanilang ginagawa. Patigasin nʼyo ang mga puso nila at sumpain nʼyo sila. Sa galit nʼyo PANGINOON, habulin nʼyo sila at lipulin nang mawala na sila sa mundong ito.

Mga Panaghoy 3:46-66 Ang Biblia (TLAB)

Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin. Takot at ang hukay ay dumating sa amin, ang pagkasira at pagkagiba. Ang mata ko'y dumadaloy ng mga ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan. Ang mata ko'y dinadaluyan at hindi naglilikat, na walang pagitan. Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo, at tumingin mula sa langit. Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan. Lubha nila akong hinahabol na parang ibon, na mga kaaway kong walang kadahilanan. Kanilang pinaikli ang aking buhay sa bilangguan at hinagis ako ng bato. Tubig ay nagsisihuho sa aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay. Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay. Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing. Ikaw ay lumapit sa araw na ako'y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot. Oh Panginoon, iyong ipinagsanggalang ang mga usap ng aking kaluluwa; iyong tinubos ang aking buhay. Oh Panginoon, iyong nakita ang aking pagkakamali; hatulan mo ang aking usap. Iyong nakita ang lahat nilang panghihiganti, at ang lahat nilang pasiya laban sa akin. Iyong narinig ang kanilang pagduwahagi, Oh Panginoon, at lahat nilang pasiya laban sa akin, Ang mga labi ng nagsisibangon laban sa akin, at ang kanilang pasiya laban sa akin buong araw. Masdan mo ang kanilang pagupo, at ang kanilang pagtayo; ako ang kanilang awit. Ikaw ay magbibigay sa kanila ng kagantihan, Oh Panginoon, ayon sa gawa ng kanilang mga kamay. Iyong papagmamatigasin ang kanilang puso, ang iyong sumpa sa kanila. Iyong hahabulin sila sa galit, at iyong lilipulin sila mula sa silong ng langit ng Panginoon.

Mga Panaghoy 3:46-66 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

“Kinukutya kami ng aming mga kaaway; nagdaan na kami sa pagkawasak at kapahamakan, naranasan namin ang mabingit sa panganib at manginig sa takot. Hindi mapigil ang pagbalong ng aking mga luha, dahil sa kapahamakang sinapit ng aking bayan. “Walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha, hanggang si Yahweh ay tumunghay mula sa langit at kami'y lingapin. Nagdadalamhati ako dahil sa sinapit ng mga kababaihan sa aking lunsod. “Para akong ibong binitag ng aking mga kaaway, gayong wala silang dahilan upang kamuhian ako. Ako'y inihulog nila nang buháy sa isang balon, at tinakpan ng bato ang bunganga nito. Lumubog ako sa tubig, at nasabi ko, ‘Wala na akong pag-asang mabuhay pa.’ “O Yahweh, tinawag ko ang iyong pangalan nang ako'y nasa kailaliman ng balon; narinig mo ang aking samo, ‘Huwag mong takpan ang iyong pandinig sa aking paghingi ng tulong!’ Nilapitan mo ako nang ika'y tawagan ko; sinabi mo sa akin, ‘Huwag kang matakot!’ “Tinulungan mo ako, Yahweh, at iniligtas mo ang aking buhay. Hindi kaila sa iyo ang kasamaang ginawa nila sa akin; bigyan mo ako ng katarungan. Nakita mo ang kanilang paghihiganti at masasamang balak laban sa akin. “Narinig mo, Yahweh, ang pangungutya nila't mga pakana laban sa akin. Nagsasalita at nag-iisip laban sa akin ang mga kaaway ko. Mula umaga hanggang gabi kanilang panunuya'y walang pasintabi. “O Yahweh, parusahan mo sila, ayon sa kanilang ginawa. Pahirapan mo sila, at iyong sumpain; habulin mo sila at iyong lipulin!”

Mga Panaghoy 3:46-66 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)