Judas 1:24-25
Judas 1:24-25 ASD
Sa kanya na makakapag-ingat sa inyo upang hindi kayo magkasala, at makakapagdala sa inyo sa kanyang harapan nang walang kapintasan at may lubos na kagalakan, sa nag-iisang Diyos na ating Tagapagligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo: sa kanya ang kaluwalhatian, kadakilaan, lakas at kapangyarihan mula pa noong simula, hanggang ngayon, at magpakailanman. Amen.



