Judas 1:24-25
Judas 1:24-25 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sa kanya na makakapag-ingat sa inyo upang hindi kayo magkasala, at makakapagdala sa inyo sa kanyang harapan nang walang kapintasan at may lubos na kagalakan, sa nag-iisang Diyos na ating Tagapagligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo: sa kanya ang kaluwalhatian, kadakilaan, lakas at kapangyarihan mula pa noong simula, hanggang ngayon, at magpakailanman. Amen.
Judas 1:24-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa kanya na makakapag-ingat sa inyo upang hindi kayo magkasala, at makakapagharap sa inyo nang walang kapintasan at may malaking kagalakan sa kanyang kaluwalhatian, sa iisang Diyos na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin, sa kanya ang kapurihan, karangalan, kaluwalhatian at kapangyarihan, mula pa noong una, ngayon at magpakailanman! Amen.
Judas 1:24-25 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sa kanya na makakapag-ingat sa inyo upang hindi kayo magkasala, at makakapagdala sa inyo sa kanyang harapan nang walang kapintasan at may lubos na kagalakan, sa nag-iisang Diyos na ating Tagapagligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo: sa kanya ang kaluwalhatian, kadakilaan, lakas at kapangyarihan mula pa noong simula, hanggang ngayon, at magpakailanman. Amen.
Judas 1:24-25 Ang Biblia (TLAB)
Ngayon doon sa makapagiingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo'y makapaghaharap na walang kapintasan na may malaking galak, sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian. Sa iisang Dios na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Panginoon, ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang paghahari, at ang kapangyarihan, sa kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man. Siya nawa.
Judas 1:24-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa kanya na makakapag-ingat sa inyo upang hindi kayo magkasala, at makakapagharap sa inyo nang walang kapintasan at may malaking kagalakan sa kanyang kaluwalhatian, sa iisang Diyos na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na Panginoon natin, sa kanya ang kapurihan, karangalan, kaluwalhatian at kapangyarihan, mula pa noong una, ngayon at magpakailanman! Amen.
Judas 1:24-25 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)