Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 7:1-6

Juan 7:1-6 ASD

Pagkatapos nito, nilibot ni Hesus ang Galilea. Iniwasan niyang pumunta sa Judea dahil gusto siyang patayin ng mga pinuno ng mga Hudyo roon. Nang malapit na ang pista ng mga Hudyo na tinatawag na Pista ng mga Tolda, sinabi ng mga kapatid ni Hesus sa kanya, “Bakit hindi ka umalis dito at pumunta sa Judea para makita ng mga alagad mo ang mga ginagawa mo? Walang taong gumagawa nang patago kung gusto niyang sumikat. Gumagawa ka na rin lang ng himala, ipakita mo na sa lahat!” Sinabi ito ng mga kapatid ni Hesus dahil sila man ay hindi nakakaunawa kung sino siya at kung ano ang kailangan niyang gawin. Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi pa ngayon ang panahon para sa akin, pero kayo, puwede nʼyong gawin kahit anong oras ang gusto ninyo.

Kaugnay na Video