Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Juan 4:11-15

Juan 4:11-15 ASD

Sinabi ng babae, “Malalim po ang balon at wala kayong pang-igib. Saan po kayo kukuha ng tubig na nagbibigay-buhay? Nakahihigit po ba kayo sa aming ninunong si Jacob na nagbigay sa amin ng balong ito? Uminom siya dito pati ang mga anak niya, gayundin ang kanyang mga alagang hayop.” Sumagot si Hesus, “Ang lahat ng umiinom ng tubig na itoʼy muling mauuhaw, ngunit ang sinumang iinom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na kailanman mauuhaw. Dahil ang tubig na ibibigay ko ay magiging tulad ng isang bukal sa loob niya na magbibigay ng buhay na walang hanggan.” Sinabi ng babae, “Bigyan nʼyo po ako ng tubig na sinasabi nʼyo upang hindi na ako muling mauhaw at hindi ko na kailangan pang pumunta rito para umigib.”

Kaugnay na Video