Sa lahat ng hayop na nilikha ng PANGINOONG Diyos, ang ahas ang pinakatuso. Minsan, tinanong ng ahas ang babae, “Totoo bang pinagbabawalan kayo ng Diyos na kumain ng bunga ng alinmang puno sa halamanan?” Sumagot ang babae, “Makakain namin ang kahit anong bunga ng puno rito sa halamanan, maliban lang sa bunga ng puno na nasa gitna ng halamanan. Sapagkat sinabi ng Diyos na hindi kami dapat kumain o humipo man lang ng bunga ng punong iyon. Kapag ginawa namin iyon, mamamatay kami.” Ngunit sinabi ng ahas, “Hindi totoong mamamatay kayo! Sinabi iyan ng Diyos dahil alam niya na kapag kumain kayo ng bungang iyon, mabubuksan ang mga isip ninyo, at magiging katulad niya kayo na nakakaalam kung ano ang mabuti at masama.” Nang pagmasdan ng babae ang puno, napakaganda nitong tingnan at ang bunga nito ay nakakatakam. At dahil sa pagnanais niyang maging marunong, pumitas siya ng bunga at kumain nito. Binigyan din niya ang kanyang asawa na kasama niya, at kinain din ito. Pagkatapos nilang kumain, nalaman nila kung ano ang mabuti at ang masama, at napansin nila na hubad pala sila. Kaya pinagtagni-tagni nila ang mga dahon ng puno ng igos upang ipantakip sa kanilang katawan. Nang lumamig na ang hangin bandang hapon, narinig nila na naglalakad ang PANGINOONG Diyos sa halamanan. Kaya nagtago sila sa mga puno doon upang hindi sila makita. Ngunit tinawag ng PANGINOONG Diyos ang lalaki, “Nasaan ka?” Sumagot ang lalaki, “Narinig ko po kayo sa halamanan, kaya nagtago ako. Natatakot po ako dahil hubad ako.”
Basahin Genesis 3
Makinig sa Genesis 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Genesis 3:1-10
5 Days
These are unprecedented times for those of us who are alive on planet earth at this moment. Historically, we can find hope if we turn to the One who made it all and is Lord of all. What does the Bible say about why these things happen, what is God’s response to it, and what is my hope in life and death?
7 Days
In this 7-day reading plan, Beth Moore uses questions from Scripture to lead you into intimacy with the One who knows you best. The crooked punctuation mark at the end of a sentence speaks of curiosity, interest, and perhaps doubt. A question is an invitation to vulnerability, to intimacy. The Bible does not shy away from such an invite. Over and over we see the people of God asking questions of their Creator. We also see the God of the universe asking questions of His creation. The Quest is a challenge to accept the invitation. Learn to dig into the Word, to respond to the questions of God, and to bring your questions before Him. Let the crooked punctuation mark be the map that points you into a closer relationship with the Father.
Learn to define clearly your dreams for yourself. Identify the obstacles holding you back. Come up with a specific plan for reaching goals. Develop the tools that will help you act on the plan.
7 Mga araw
7-day Reading Plan na Ang Alay Ni Jesus
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas