Isang araw, nang binata na si Moises, pumunta siya sa mga kadugo niya at nakita niya kung paano sila pinapahirapan. Nakita niya ang isang Ehipsiyo na hinahagupit ang isang Hebreo na kadugo niya. Luminga-linga si Moises sa paligid kung may nakatingin. At nang wala siyang nakita, pinatay niya ang Ehipsiyo at ibinaon ang bangkay sa buhangin. Kinabukasan, bumalik siya at may nakita siyang dalawang Hebreong nag-aaway. Tinanong niya ang may kasalanan, “Bakit mo hinahagupit ang kapwa mo Hebreo?” Sumagot ang lalaki, “Sino ang nagtalaga saʼyong maging pinuno at hukom namin? Papatayin mo rin ba ako tulad ng ginawa mo sa Ehipsiyo kahapon?” Natakot si Moises at sinabi sa kanyang sarili, “May nakakaalam pala ng ginawa ko.” Nang malaman ng Faraon ang ginawa ni Moises, tinangka niya itong patayin, pero tumakas si Moises papuntang Midian para doon manirahan. Pagdating niya sa Midian, naupo siya sa gilid ng balon. Ngayon, dumating naman ang pitong anak na babae ng pari ng Midian upang umigib at painumin ang mga alagang hayop ng kanilang ama. May dumating doon na mga pastol at pinapaalis nila ang mga babae at ang kanilang mga hayop, pero tinulungan ni Moises ang mga babaeng anak ng pari at pinainom pa niya ang mga alaga nilang hayop. Pag-uwi ng mga babae sa ama nilang si Reuel, tinanong niya sila, “Bakit parang napaaga ang pag-uwi nʼyo?” Sumagot sila, “May isang Ehipsiyo po na tumulong sa amin laban sa mga pastol. Ipinag-igib niya kami ng tubig at pinainom ang aming mga hayop.”
Basahin Exodus 2
Makinig sa Exodus 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Exodus 2:11-19
7 Days
In this 7-day devotional, discover how you can be armed for the battles we encounter on a daily basis. The Battles Women Face series will cover topics from boundaries to worry and provide Biblical truths and practical applications to help you walk in victory.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas