Mga Gawa 5:28-32
Mga Gawa 5:28-32 ASD
“Hindi baʼt pinagbawalan na namin kayong magturo tungkol sa pangalang ito? Ngunit tingnan ninyo ang ginawa nʼyo! Kumalat na ang inyong aral sa buong Jerusalem, at kami pa ang pinagbibintangan ninyong pumatay sa kanya!” Sumagot si Pedro at ang ibang apostol, “Ang Diyos ang dapat naming sundin, hindi ang tao. Ang Diyos ng ating mga ninuno ang muling bumuhay kay Hesus na ipinapatay ninyo sa pamamagitan ng pagpako sa krus. Itinaas ng Diyos si Hesus, at iniluklok sa kanyang kanan bilang Pinuno at Tagapagligtas, upang tayong mga Israelita ay mabigyan ng pagkakataong magsisi at talikuran ang ating mga kasalanan, at mapatawad. Saksi kami na ang lahat ng ito ay totoo, at ganoon din ang Banal na Espiritu na ibinigay ng Diyos sa lahat ng sumusunod sa kanya.”


