Nang pinakawalan na sina Pedro at Juan, bumalik sila sa kanilang mga kasamahan, at ibinalita kung ano ang sinabi sa kanila ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo. Nang marinig nila iyon, nagkaisa silang nanalangin sa Diyos. Sinabi nila, “Panginoon na makapangyarihan sa lahat, ang lumikha ng langit at lupa, ng dagat, at ng lahat ng nasa mga ito, nagsalita kayo sa pamamagitan ng aming ninunong si David na inyong lingkod. Sinabi niya sa patnubay ng Banal na Espiritu, ‘Bakit matindi ang galit ng mga bansa? Bakit ang mga taoʼy gumagawa ng mga planong wala namang patutunguhan? Ang mga hari ng mundoʼy handa nang makipagdigma, ang mga pinuno ay nagkaisa, laban sa Panginoon, at laban sa kanyang Mesias.’ Iyon nga ang mismong nangyari dito sa Jerusalem. Nagkaisa sina Herodes Antipas at Gobernador Poncio Pilato, kasama ang mga Hentil at ang mga Israelita, laban sa inyong banal na lingkod na si Hesus na inyong hinirang. Sa kanilang ginawa, natupad na ang itinakda ninyo noon. At itoʼy nangyari ayon sa inyong kapangyarihan at kalooban.
Basahin Mga Gawa 4
Makinig sa Mga Gawa 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Gawa 4:23-28
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas