Mga Gawa 4:23-28
Mga Gawa 4:23-28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang palayain na sina Pedro at Juan, pumunta sila sa mga kasamahan nila at ibinalita ang sinabi ng mga punong pari at ng mga pinuno ng bayan. Nang marinig ito ng mga mananampalataya, sama-sama silang nanalangin sa Diyos, “Panginoon, kayo po ang lumikha ng langit at ng lupa, ng dagat at ng lahat ng nilalaman nito! Kayo po ang nagsalita sa pamamagitan ng aming ninunong si David na inyong lingkod nang sabihin niya sa patnubay ng Espiritu Santo, ‘Bakit galit na galit ang mga Hentil, at ang mga tao'y nagbabalak ng walang kabuluhan? Naghahandang makibaka ang mga hari sa lupa, at nagtitipon ang mga pinuno laban sa Panginoon at sa kanyang Hinirang.’ Nagkatipon nga sa lunsod na ito sina Herodes at Poncio Pilato, kasama ang mga Hentil at ang buong Israel, laban sa inyong banal na Lingkod na si Jesus, ang inyong Hinirang. Nagkatipon sila kaya't naisakatuparan ang mga dapat mangyari, ayon sa itinakda ninyo noon pang una.
Mga Gawa 4:23-28 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang pinakawalan na sina Pedro at Juan, bumalik sila sa kanilang mga kasamahan, at ibinalita kung ano ang sinabi sa kanila ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo. Nang marinig nila iyon, nagkaisa silang nanalangin sa Diyos. Sinabi nila, “Panginoon na makapangyarihan sa lahat, ang lumikha ng langit at lupa, ng dagat, at ng lahat ng nasa mga ito, nagsalita kayo sa pamamagitan ng aming ninunong si David na inyong lingkod. Sinabi niya sa patnubay ng Banal na Espiritu, ‘Bakit matindi ang galit ng mga bansa? Bakit ang mga taoʼy gumagawa ng mga planong wala namang patutunguhan? Ang mga hari ng mundoʼy handa nang makipagdigma, ang mga pinuno ay nagkaisa, laban sa Panginoon, at laban sa kanyang Mesias.’ Iyon nga ang mismong nangyari dito sa Jerusalem. Nagkaisa sina Herodes Antipas at Gobernador Poncio Pilato, kasama ang mga Hentil at ang mga Israelita, laban sa inyong banal na lingkod na si Hesus na inyong hinirang. Sa kanilang ginawa, natupad na ang itinakda ninyo noon. At itoʼy nangyari ayon sa inyong kapangyarihan at kalooban.
Mga Gawa 4:23-28 Ang Biblia (TLAB)
At nang sila'y mangapakawalan na, ay nagsiparoon sa kanilang mga kasamahan, at iniulat ang lahat ng sa kanila'y sinabi ng mga pangulong saserdote at ng matatanda. At sila, nang kanilang marinig ito, ay nangagkaisang itaas nila ang kanilang tinig sa Dios, at nangagsabi, Oh Panginoon, ikaw na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nangasa mga yaon: Na sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ng aming amang si David, na iyong lingkod, ay sinabi mo, Bakit nangagalit ang mga Gentil, At nagsipaghaka ang mga tao ng mga bagay na walang kabuluhan? Nagsitayong handa ang mga hari sa lupa, At ang mga pinuno ay nangagpisanpisan, Laban sa Panginoon, at laban sa kaniyang Pinahiran. Sapagka't sa katotohanan sa bayang ito'y laban sa iyong banal na Lingkod na si Jesus, na siya mong pinahiran, ang dalawa ni Herodes at ni Poncio Pilato, kasama ng mga Gentil at ng mga bayan ng Israel, ay nangagpisanpisan, Upang gawin ang anomang naitakda na ng iyong kamay at ng iyong pasiya upang mangyari.
Mga Gawa 4:23-28 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang palayain na sina Pedro at Juan, pumunta sila sa mga kasamahan nila at ibinalita ang sinabi ng mga punong pari at ng mga pinuno ng bayan. Nang marinig ito ng mga mananampalataya, sama-sama silang nanalangin sa Diyos, “Panginoon, kayo po ang lumikha ng langit at ng lupa, ng dagat at ng lahat ng nilalaman nito! Kayo po ang nagsalita sa pamamagitan ng aming ninunong si David na inyong lingkod nang sabihin niya sa patnubay ng Espiritu Santo, ‘Bakit galit na galit ang mga Hentil, at ang mga tao'y nagbabalak ng walang kabuluhan? Naghahandang makibaka ang mga hari sa lupa, at nagtitipon ang mga pinuno laban sa Panginoon at sa kanyang Hinirang.’ Nagkatipon nga sa lunsod na ito sina Herodes at Poncio Pilato, kasama ang mga Hentil at ang buong Israel, laban sa inyong banal na Lingkod na si Jesus, ang inyong Hinirang. Nagkatipon sila kaya't naisakatuparan ang mga dapat mangyari, ayon sa itinakda ninyo noon pang una.
Mga Gawa 4:23-28 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)