2 Mga Hari 4:39
2 Mga Hari 4:39 ASD
Pumunta sa bukid ang isa sa mga propeta para kumuha ng mga halamang gamot. Nakakita siya roon ng ligaw na baging at pumitas siya ng mga bunga nito hanggang mapuno ang damit niya. Pagkauwi, hiniwa-hiwa niya ito at inilagay sa palayok, pero hindi niya alam kung anong klaseng halaman ito.



