2 Mga Hari 4:39 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
2 Mga Hari 4:39 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Tumayo ang isa sa mga naroon at lumabas ng bukid upang manguha ng gulay. Nakakita siya ng isang ligaw na baging na parang upo at maraming bunga. Kumuha siya ng makakaya niyang dalhin. Pagbabalik niya'y pinagputul-putol ang mga iyon at inilagay sa palayok na nakasalang.
2 Mga Hari 4:39 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Pumunta sa bukid ang isa sa mga propeta para kumuha ng mga halamang gamot. Nakakita siya roon ng ligaw na baging at pumitas siya ng mga bunga nito hanggang mapuno ang damit niya. Pagkauwi, hiniwa-hiwa niya ito at inilagay sa palayok, pero hindi niya alam kung anong klaseng halaman ito.
2 Mga Hari 4:39 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Tumayo ang isa sa mga naroon at lumabas ng bukid upang manguha ng gulay. Nakakita siya ng isang ligaw na baging na parang upo at maraming bunga. Kumuha siya ng makakaya niyang dalhin. Pagbabalik niya'y pinagputul-putol ang mga iyon at inilagay sa palayok na nakasalang.
2 Mga Hari 4:39 TLAB (Ang Biblia)
At ang isa ay lumabas sa bukid upang manguha ng mga gugulayin, at nakasumpong ng isang baging gubat, at namitas doon ng mga kalabasang gubat na ang kaniyang kandungan ay napuno, at bumalik at pinagputolputol sa palayok ng lutuin: sapagka't hindi nila nalalaman.
2 Mga Hari 4:39 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))