Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Mga Hari 2:19-22

2 Mga Hari 2:19-22 ASD

Ang mga tao sa lungsod ng Jerico ay nagsabi kay Eliseo, “Ginoo, nakikita naman po ninyo na maganda ang kinatatayuan ng aming lugar, ngunit hindi maganda ang tubig at walang tumutubong pananim sa lupain.” Sinabi ni Eliseo, “Dalhan nʼyo ako ng bagong mangkok at lagyan ito ng asin.” Kaya siyaʼy dinalhan nila nito. Pumunta siya sa bukal at inihagis doon ang asin at sinabi, “Ito ang sinasabi ng PANGINOON: Nilinis ko na ang tubig na ito. At mula ngayon, hindi na ito magiging sanhi ng kamatayan o hindi pagtubo ng mga pananim.” Mula noon, naging malinis na ang tubig, ayon sa sinabi ni Eliseo na mangyayari.