2 Mga Hari 2:19-22 - Compare All Versions
2 Mga Hari 2:19-22 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinabi ng mga tagaroon kay Eliseo, “Tulad po ng inyong nakikita, maganda ang lunsod na ito, marumi nga lang ang tubig kaya't hindi mabunga ang lupa.” Sinabi niya, “Bigyan ninyo ako ng isang bagong mangkok at lagyan ninyo ng asin.” Ganoon nga ang ginawa nila. Dala ang mangkok, pumunta si Eliseo sa bukal ng tubig at ibinuhos ang asin. “Ito ang sabi ni Yahweh: ‘Lilinis ang tubig na ito at hindi na pagmumulan ng sakit o kamatayan,’” sabi niya. Mula noon, naging malinis ang tubig na iyon gaya ng sinabi ni Eliseo.
2 Mga Hari 2:19-22 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Ang mga tao sa lungsod ng Jerico ay nagsabi kay Eliseo, “Ginoo, nakikita naman po ninyo na maganda ang kinatatayuan ng aming lugar, ngunit hindi maganda ang tubig at walang tumutubong pananim sa lupain.” Sinabi ni Eliseo, “Dalhan nʼyo ako ng bagong mangkok at lagyan ito ng asin.” Kaya siyaʼy dinalhan nila nito. Pumunta siya sa bukal at inihagis doon ang asin at sinabi, “Ito ang sinasabi ng PANGINOON: Nilinis ko na ang tubig na ito. At mula ngayon, hindi na ito magiging sanhi ng kamatayan o hindi pagtubo ng mga pananim.” Mula noon, naging malinis na ang tubig, ayon sa sinabi ni Eliseo na mangyayari.
2 Mga Hari 2:19-22 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinabi ng mga tagaroon kay Eliseo, “Tulad po ng inyong nakikita, maganda ang lunsod na ito, marumi nga lang ang tubig kaya't hindi mabunga ang lupa.” Sinabi niya, “Bigyan ninyo ako ng isang bagong mangkok at lagyan ninyo ng asin.” Ganoon nga ang ginawa nila. Dala ang mangkok, pumunta si Eliseo sa bukal ng tubig at ibinuhos ang asin. “Ito ang sabi ni Yahweh: ‘Lilinis ang tubig na ito at hindi na pagmumulan ng sakit o kamatayan,’” sabi niya. Mula noon, naging malinis ang tubig na iyon gaya ng sinabi ni Eliseo.
2 Mga Hari 2:19-22 TLAB (Ang Biblia)
At sinabi ng mga lalake sa bayan kay Eliseo: Tingnan mo, isinasamo namin sa iyo, na ang kalagayan ng bayang ito ay maligaya, gaya ng nakikita ng aking panginoon: nguni't ang tubig ay masama, at ang lupa ay nagpapalagas ng bunga. At kaniyang sinabi, Dalhan ninyo ako ng isang bagong banga, at sidlan ninyo ng asin. At kanilang dinala sa kaniya. At siya'y naparoon sa bukal ng tubig, at hinagisan niya ng asin, at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Aking pinabuti ang tubig na ito; hindi na magkakaroon mula rito ng kamatayan pa o pagkalagas ng bunga. Sa gayo'y bumuti ang tubig hanggang sa araw na ito, ayon sa salita ni Eliseo na kaniyang sinalita.
2 Mga Hari 2:19-22 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))