Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Hari 19:14-21

1 Mga Hari 19:14-21 ASD

Sumagot siya, “O PANGINOON, Diyos ng mga Hukbo, tapat po akong naglilingkod sa inyo, pero itinakwil ng mga Israelita ang kasunduan nila sa inyo, winasak nila ang mga altar ninyo, at pinagpapatay ang mga propeta ninyo. Ako na lang po ang natitira, at pinagsisikapan din nila akong patayin.” Nagsalita ang PANGINOON sa kanya, “Bumalik ka sa iyong dinaanan, at pumunta sa ilang ng Damasco. Pagdating mo roon, pahiran mo ng langis si Hazael bilang hari ng Aram. Pahiran mo rin si Jehu na anak ni Nimsi bilang hari ng Israel, at si Eliseo na anak ni Shafat, na taga-Abel-mehola, upang pumalit sa iyo bilang propeta. Papatayin ni Hazael ang mga sumasamba kay Baal. Ang makakatakas sa kanyaʼy papatayin ni Jehu, at ang makakatakas kay Jehu ay papatayin ni Eliseo. Ngunit ililigtas ko ang pitong libong Israelita na hindi lumuhod at humalik sa imahen ni Baal.” Umalis doon si Elias at nakita niya si Eliseo na anak ni Shafat, na nag-aararo gamit ang isang pares na baka. May labing-isang pares na baka sa unahan niya na pinag-aararo ng mga kasama niya. Lumapit si Elias sa kanya, hinubad ang kanyang balabal at pinasa ito kay Eliseo. Iniwan ni Eliseo ang mga baka at hinabol si Elias. Sinabi ni Eliseo, “Hahalik po muna ako sa aking amaʼt ina bilang pamamaalam at saka po ako sasáma sa inyo.” Sumagot si Elias, “Sige, pero huwag mong kalimutan ang ginawa ko sa iyo.” Kaya bumalik si Eliseo, kinuha ang kanyang mga baka, at kinatay. Ginawa niyang panggatong sa pagluluto ng karne ng mga baka ang mga kagamitan sa pag-aararo. Pagkaluto, binigyan niya ang kanyang mga kasamang nag-aararo, at kumain silang lahat. At agad siyang sumunod kay Elias upang maging lingkod nito.