Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Juan 2:15-18

1 Juan 2:15-18 ASD

Huwag ninyong ibigin ang mundo o ang mga makamundong bagay, sapagkat ang sinumang umiibig sa mga ito ay hindi umiibig sa Ama. Sapagkat ang lahat ng makamundong bagay – ang masasamang hilig ng laman, ang pagnanasa sa mga nakikita ng mata, at ang anumang pagmamayabang sa buhay – ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa mundo. Ang mundo at lahat ng bagay dito na pinagnanasahan ng tao ay maglalaho, ngunit ang taong sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman. Mga minamahal kong anak, nasa mga huling araw na tayo, at tulad ng narinig ninyo, malapit na ang pagdating ng anti-Kristo. Kahit ngayon ay marami nang naglilitawang mga anti-Kristo, kaya alam nating nasa mga huling araw na tayo.