Ito pa ang sinasabi ng Kataas-taasang Diyos,
ang Banal na Diyos
na nabubuhay magpakailanman:
“Nakatira ako sa mataas at banal na lugar,
at kasama ng mga taong
mapagpakumbaba at nagsisisi,
at silaʼy aking palalakasin
at bubuhayin ang kanilang kalooban.
Ang totoo, hindi ko kayo kakalabanin
o uusigin habang panahon,
dahil kung gagawin ko ito
mamamatay ang mga taong nilikha ko.