Isaias 57:15-16 - Compare All Versions
Isaias 57:15-16 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
“Ako ang Kataas-taasan at Banal na Diyos, ang Diyos na walang hanggan. Matataas at banal na lugar ang aking tahanan, sa mababang-loob at nagsisisi, ako ay sasama, aking ibabalik ang pagtitiwala nila at pag-asa. Ako ang nagbigay ng buhay sa aking bayan, sila'y hindi ko patuloy na uusigin; at ang galit ko sa kanila'y hindi mananatili sa habang panahon.
Isaias 57:15-16 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Ito pa ang sinasabi ng Kataas-taasang Diyos, ang Banal na Diyos na nabubuhay magpakailanman: “Nakatira ako sa mataas at banal na lugar, at kasama ng mga taong mapagpakumbaba at nagsisisi, at silaʼy aking palalakasin at bubuhayin ang kanilang kalooban. Ang totoo, hindi ko kayo kakalabanin o uusigin habang panahon, dahil kung gagawin ko ito mamamatay ang mga taong nilikha ko.
Isaias 57:15-16 TLAB (Ang Biblia)
Sapagka't ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako'y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may pagsisisi at pagpapakumbabang-loob, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi. Sapagka't hindi ako makikipagtalo magpakailan man, o mapopoot man akong lagi; sapagka't ang diwa ay manglulupaypay sa harap ko, at ang mga kaluluwa na aking ginawa.
Isaias 57:15-16 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Ako ang Kataas-taasan at Banal na Diyos, ang Diyos na walang hanggan. Matataas at banal na lugar ang aking tahanan, sa mababang-loob at nagsisisi, ako ay sasama, aking ibabalik ang pagtitiwala nila at pag-asa. Ako ang nagbigay ng buhay sa aking bayan, sila'y hindi ko patuloy na uusigin; at ang galit ko sa kanila'y hindi mananatili sa habang panahon.
Isaias 57:15-16 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))