Ang ayunong makapagpapalugod sa akin
ay ang ayunong may kasamang
matuwid na pag-uugali.
Tigilan ninyo ang paggawa ng kasamaan,
pairalin nʼyo na ang katarungan,
palayain ninyo ang mga inaalipin
at ang inaapi ay inyong tulungan.
Bigyan ninyo ng pagkain ang mga nagugutom,
patirahin ninyo sa inyong tahanan
ang mga walang tahanan,
bigyan ninyo ng damit ang mga walang damit,
at tulungan ninyo ang inyong mga kaanak.