Pagpapalain ko rin
ang mga dayuhang nag-alay
ng sarili nila sa PANGINOON
para paglingkuran ako, mahalin,
sambahin, at sundin ang aking ipinapagawa
sa Araw ng Pamamahinga,
hindi ito nilalapastangan,
at tumutupad sa aking kasunduan.
Dadalhin ko sila
sa aking banal na bundok
at aaliwin doon sa aking templong dalanginan.
Tatanggapin ko sa aking altar
ang kanilang mga handog na sinusunog
at iba pang mga handog,
sapagkat ang aking bahay ay tatawaging
bahay-panalanginan ng mga tao
mula sa lahat ng bansa.”