“Ikaw Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid.
Ang iyong mga kaaway ay hahawakan mo sa leeg.
Ang mga anak ng iyong amaʼy yuyuko saʼyo.
Juda, aking anak,
katulad ka ng isang batang leon
na katatapos lang lumapa ng kanyang pagkain.
Katulad si Juda ng leong gumagapang at humihiga,
gaya ng babaeng leon
na walang nagtatangkang gumambala.