Pagkatapos, binasbasan niya ang mga ito na sinasabi,
“Nawaʼy pagpalain ang mga batang ito ng Diyos
na pinaglingkuran ng aking mga ninuno na sina Abraham at Isaac,
na siya ring Diyos na nagbabantay sa akin
simula nang ipinanganak ako hanggang ngayon.
At nawaʼy pagpalain din sila ng Anghel
na nagligtas sa akin sa lahat ng kapahamakan.
Nawaʼy maalala ako
at ang aking mga ninunong sina Abraham at Isaac sa pamamagitan nila.
At nawaʼy dumami pa sila sa mundo.”