ANG MGA HULING SALITA NI JESUS: Pitong Pagbubulay Para sa Mahal na ArawSample

UNANG ARAW: BIYAYA UPANG MAGPATAWAD
Basahin: Lucas 23:26-34
Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin Mo sila dahil hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” [LUCAS 23:34]
Ibinalita sa buong mundo ang pandurukot sa nars na si Alix Dorsainvil at kanyang anak noong 2023 habang nasa Haiti sila. Labintatlong araw silang binihag, ngunit hindi nagtanim ng galit si Alix. Sa halip, sinabi niyang malugod pa rin niyang tatanggapin ang mga dumukot sa kanila kung sakaling magkasakit o masugatan sila. “Mahal ko kayo kay Cristo, at umaasa akong mayayakap ko kayo balang araw sa langit,” wika niya.
Nakamamangha ang pagpapatawad ni Alix. Ngunit mas dakila ang halimbawang ipinakita ni Jesus kung paano patatawarin ang mga nanakit sa atin.
Hindi lang Niya inutos na mahalin ang ating mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa atin (Mateo 5:43-48). Isinabuhay Niya ang sukdulang pagpapatawad habang nakapako Siya sa krus. Binugbog, kinutya, at ipinako Siya alang-alang sa atin bagama’t “kaaway tayo ng Diyos” (Roma 5:10). Ngunit sa halip na gumanti sa mga nagpahirap sa Kanya, sinabi Niya, “Ama, patawarin mo sila dahil hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34).
Hindi katanggap-tanggap ang anumang uri ng pananakit. Ngunit maaari nating hingin sa Diyos ang kagandahang-loob upang palayain ang ating puso mula sa galit at hinanakit. Nais ni Jesus na magkaroon tayo nang maayos na relasyon sa Kanya at sa ating kapwa. Kaya, tulad ng pagpapatawad ng Diyos sa atin, magpatawad din tayo (Mateo 6:12). Lumakad tayo sa pag-ibig at tularan ang halimbawa ni Cristo. —NANCY GAVILANES
Paano ka magiging mas mapagpatawad?
Sino ang kailangan mong patawarin?
Mahal na Diyos, salamat po dahil pinatawad N’yo ako sa aking mga kasalanan. Tulungan Mo po akong maging mas mapagpatawad sa aking kapwa.
Scripture
About this Plan

Habang nakapako sa krus, sinambit ni Jesus ang pitong mga kataga. Ngunit hindi lamang ito mga simpleng salita. Kapahayagan ang bawat isa sa mga ito ng pag-asa, kapatawaran, at kaligtasang maaari nating makamit kung magtitiwala tayo kay Jesus. Ating tuklasin ang lalim ng pag-ibig ng Diyos para sa atin.
More
Related Plans

Experience Fasting in a New Way

Spiritual Virtues for the Modern Man

Attributes of God on F.I.R.E.

The Strength of Weakness

Dear Mama: God’s Not Done With Your Story

The Hope of Easter: Finding Clarity in Confusing Times

Raise!

Fan the Flame - A Journey Through Acts

Let's Talk About...How to Use Your Talents
