YouVersion Logo
Search Icon

Plan Info

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional Sample

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

DAY 9 OF 30

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga butong ito: Narito, aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay. Ezekiel 37:5 (Ang Dating Biblia (1905)) Hindi ko alam sa'yo pero nararamdaman ko na ang pagiging okupado o busy sa buhay ay madalas sanhi ng ating pagkabagabag. Nagiging busy na tayo sa lahat ng bagay sanhi ng pagkalimot natin ng oras para sa Panginoon. Dahil dito unti-unti na tayong nang natutuyo ang ating paglalakbay kasama ang Diyos. Pagod, hapung-hapo, at minsan nawawalan na ng pag-asa lalung-lalo na sa mga bagay na sa tingin natin ay hindi na magbabago pa. Pero ang gusto ko kay Lord ay hindi Niya tayo pinababayaan. Kahit sa mga wala ng pag-asang mga pangyayari sa buhay natin, may pangako ang Panginon na bibigyan Niya uli tayo ng buhay. Nagbigay din Siya ng parehong mensahe sa pamamagitan ni Hesus sa John 10:10. Ipinahayad Niya na pumunta Siya dito para mabuhay tayo nang buo-buo. Kaya ikaw, kung feeling mo pagod ka at wala nang pag-asa, bigyan mo ng oras si God para bigyan ka muli ng buhay at palakasin ang iyong loob na nagmamalasakit si God sa'yo at gustong-gusto ka Niyang mabuhay ng matiwasay muli. by @valster73

Scripture

About this Plan

30daysofbiblelettering Round 4 - Devotional

Ang 30daysofbiblelettering hamon ay nakunan maraming passionated at bagong natuklasan pagkakasulat tagahanga / pros / kaibigan / tao. Ang planong ito ay naglalaman ng isang devotional para sa bawat araw, nakasulat sa p...

More

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy